Pagkakaroon ng overtime pay ng mga guro, itutulak ng DepEd

Inanunsyo kahapon ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na maglulunsad ang kanilang departamento ng employer welfare and well-being policy guidelines.

Sa kanyang Basic Education Report, sinabi ni Duterte na kabilang dito ang pagtatag ng calamity fund na magbibigay ng immediate financial assistance sa mga guro sa panahon ng kalamidad.

Gayundin ang pag bibigay ng health insurance sa lahat ng mga teaching at non-teaching personnel.

Mag iisyu rin ng policy hinggil sa teaching overload pay, para matiyak na well compensated ang mga guro na labis labis ang oras ng pagtatrabaho.

Sa susunod anyang budget cycle, ipapanukala ng DepEd ang budget na magbibigay-daan para mabigyan ng overtime pay ang mga teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *