Pagkasira ng ilang bahagi ng Bajo de Masinloc pag-aaralan ng pamahalaan

Magpapadala ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Coast Guard, at Marine Scientist mula UP sa Bajo de Masinloc para pag-aralan kung ano ang dahilan ng pagkasira ng corals doon.

Kasunod ito ng pahayag ng mga mangingidang Pilipino na nasira ang ilang bahagi ng bahura dahil umano sa mangingisdang Tsino.

Sa pag-aaral ng Center for strategic and International Studies lumalabas na mga aktibidad ng China ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng marine environment sa West Philippine Sea.

Samantala, pinabulaanan ng PCG ang pahayag ng Chinese embassy na naitaboy umano ng China Coast Guard ang BRP datu sanday sa umanoy karagatan ng Tsina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *