Pagkuha ng driver’s license, mas hinigpitan ng LTO-12 dahil sa dumaraming road accidents

KORONADAL CITY- MAS alarming ang bilang ng namamatay dahil sa mga aksidente sa daan kung ikukumpara sa mga namamatay dahil sa COVID 19. Ito ang inihayag  ni Land Transportation Office o LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga sa isinagawang MOA signing sa pagitan ng LTO at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA 12 kamakailan lamang para sa integration ng driving courses.

Ayon kay Gonzaga na kadalasang dahilan ng mga road crash ay ang mga drivers na walang alam sa mga traffic rules, hindi nakapag-seminar at  nakakuha lamang ng lisensya sa pamamagitan ng padrino system o mga under the table transactions.

Sa datos noong Enero hanggang Marso, nakapagtala ang LTO ng 91 road accidents sa region 12 na nagresulta sa pagkamatay ng 9 katao at pagkasugat ng 106.

Dahil dito, hinigpitan na aniya ng LTO ang proseso ng pagkuha ng driver’s license sa LTO kung saan kailangan na ng mga aplikante na pagpasailalim sa theoretical driving course at practical driving course.

Binigyang diin nito na malaking tulong sa pagpapaigting sa drivers education sa rehiyon 12 ang partnership ng LTO at TESDA upang maitaas ang standards ng mga drivers at maisulong ang road safety at discipline sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *