Paglagay ng iba pang foreign language sa K-12 curriculum, pinaburan ng isang guro sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Pinaburan ng isang Senior High School public teacher sa Tigaon, Camarines Sur ang isang resolusyon na inihahain ng House of Representatives patungkol sa paglagay ng iba pang foreign language sa K-12 Curriculum maliban sa Ingles.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Princess Carla Siguenza, Science and Practical Research Teacher sa Dr. Rodolfo V. Pamor Jr. Memorial National High School, Sa Tigaon , maliban sa ingles, magandang magkaroon din sila ng kaalaman sa iba pang lenggwahe lalo na’t karamihan sa mga employer ngayon, hindi lang basta marunong magbasa at magsulat ang hinahanap, maging ang pag-intindi rin sa mga banyagang salita.

Aniya, magandang resolusyon ito basta’t magkaroon din ng pormal at maayos na training ang mga guro na magtuturo ng foreign language upang matiyak na may matututunan ang mga bata.

Ayon naman sa ipinalabas na pahayag ni Minority Leader Marcelino Libanan, layunin ng resolusyong ito na pagtibayin ang “employability” ng mga mag-aaral kung saan isa ito sa mga nakikitang hakbang upang tumaas ang global demand market sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *