Paglagda sa Magna Carta for Filipino Seafarers bilang batas, ipinagpaliban muna ni PBBM

Hindi kasama sa nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ngayong umaga ang Magna Carta for Filipino Seafarers.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, under review pa raw ito kaya hindi muna nilagdaan ng Pangulo.

Habang ganap nang batas ang pagbibigay ng dagdag benepisyo sa mga senior citizen, partikular sa mga octogenarians at sa mga nonagenarians, gayundin din ang Tatak Pinoy Act.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng RA 11982 o Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians, makakatanggap ng sampung libong piso ang mga senior pagsapit sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Mananatili naman ang 100 thousand pesos para sa mga edad 100 years old.

Sa ilalim naman ng Tatak Pinoy act, binanggit nyang higit pa ito sa branding exercise dahil ito ay patungkol sa pagtataguyod sa pamumuhunan sa kakayahan at talento ng mga Pilipino.

Hindi anya ito simpleng paglalagay ng label sa mga produkto at serbisyo kundi pagpapakita ng mga produktong may mataas na kalidad sapagkat gawang Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *