Paglago ng ekonomiya ng bansa – bahagyang bumagal sa taong 2023

Nabigo ang Pilipinas na makamit ang target nito na paglago ng ekonomiya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumago ang gross domestic product (GDP) sa 5.6% year-on-year nitong 2023; mas mabagal sa 7.6% growth noong 2022.

5.6% lang din ang paglago ng ekonmiya sa huling kuwarter ng taon.

Ibig-sabihin, ‘di rin nakamit ang tina-target na 6-7% growth para sa taong 2023.

Sa kabila nito – idiniin ni National Economic Development Authority (NEDA) socioeconomic planning Secratary Arsenio Balisacan na isa pa rin ang Pilipinas sa ‘best performing ecnomis’ sa Asiya.

Una ang Vietnam na may 6.7%; pangalawa ang Pilipinas; ikatlo ang China sa 5.2%; at 3.4% naman sa Malaysia.
#

NEDA nababahala sa mabagal na paglago ng paggasta sa pagkain

Nababahala ang NEDA sa mababang paglago ng pag gasta sa pagkain.

Sa ulat ng PSA hinggil sa full year GDP growth ng bansa, nakitaan ng positibong pag-usbong ang sektor ng mga restaurant at hotels na umabot sa 16.2 percent, habang umakyat sa 12.2 percent ang gastusin sa transportasyon, at 7.3 percent naman sa recreation.

Ayon sa NEDA, ang mga numerong ito ay tanda ng pag-unlad sa labor markets at patuloy na paglago ng remittances mula sa ibang bansa.

Gayunpaman, hindi maitatanggi ang kanilang pangamba sa mabagal na paglago ng paggasta sa pagkain dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Sa harap nito, hindi raw titigil ang pamahalaan sa pagtugon sa inflation, lalo na sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Ilan sa mga hakbang na kanilang isasagawa ay ang pagpapabuti sa efficiency at resilience ng agriculture value chain, kasabay ng paggamit ng strategic trade policy sa mga panahon ng kakulangan sa lokal na produksyon.

Bukod dito, itatag din ng pamahalaan ang mga mekanismo upang palakasin ang kakayahan ng mga mamimili na labanan ang inflation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *