Paglalagay ng microchip sa mga aso sa Olongapo, itutuloy na sa pagpasok ng 2022

Itutuloy na ng city government ang paglalagay ng microchip sa mga alagang aso sa Olongapo.

Ito ay makaraang maobserbahan ng City Veterinary Office na epektibo ang paglalagay nito sa mga asong nasa tatlong barangay ng lungsod bilang bahagi ng pilot testing.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Arnold Lopez, madaling nakikilala ang may-ari ng asong nakabitan na ng microchip kapag ang alaga ay nahuli ng mga tauhan ng barangay o ng city dog pound na pagala-gala sa mga kalye.

Dahil dito, gagawin na sa buwan ng Marso sa susunod na taon ang pagkakabit ng microchip sa halos tatlumpong libong bilang ng mga aso sa Olongapo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'ASCORBIC (as Calcium 100 500 Ascorbate) ACID Capsules VITAMIN GUARD-C mg Capsule SHOP NOW! Lazada ASCORBICA Ang Guard C Calcium Ascorbate ay isang vitamin na may kombinasyon ng calcium mineral kaya safe inumin kahit may hyper acidity dahil NON-ACIDIC ito. ang Immune system with Calcium Ascorbate. Palakasin Guard c Û.an ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *