Paglalayag ng mga bangkang pangisda hindi pa rin pinahihintulutan sa Camarines Norte kahit wala nang Tropical Cyclone Warning Signal

CAMARINES NORTE- Hindi pa rin pinahihintulutan ang pagpalaot ng mga mangingisda lalo na ang mga maliit ang bangka kahit pa wala nang Tropical Cyclone Warning Signal ng bagyo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Hindi pa kasi ligtas ang pagpalaot sa ngayon dahil sa malalakas na alon ng karagatan.

Batay sa panibagong Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station strong to gale force winds pa rin ang asahan dahil sa Northeast Monsson.

Asahan pa rin ang maalon hanggang sa napakaalong kundisyon ng karagatang sakop ng lalawigan na may taas ng alon na mula sa mahigit dalawa hanggang mahigit apat na metro.

Sa ilalim ng Memorandum Circular patungkol sa movement ng mga sasakyang pandagat hindi pinapagayang maglayag ang mga bangkang 250 gross tons pababa dahil masyado pang mapanganib.

Kaugnay nito mahigit dalawang linggo nang hindi nakakapalaot ang mga mangingisda kaya apektado nang labis ang kanilang kabuhayan.

Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, walang nakalaang pondo na maaaring maitulong sa mga mangingisdang apektado ang kabuhayan ngayong panahon.

Ang ipinamamahagi lang umano ng kanilang opisina ay proyekto na kailangan lalo na ng maliliit na mangingisda na tulong sa kanilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *