Paglikha ng archipelagic sea lane sa West Philippine Sea, suportado ng DND at DFA

Sinusuportahan ng mga Depertment of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglikha ng archipelagic sea lane, na sinasabing mapoprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pagsasagawa ng pagdinig ang Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, inabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung maisasabatas ang panukalang batas, makakapagsampa ang Pilipinas ng matinding kaso laban sa mga lalabag dito.

Dagdag pa niya, kung gagamitin ang sea lane kasama ng 2016 arbitral award at United Nations on the Law of the Sea, magkakaroon ng legal na batayan ang Pilipinas sa pakikipaglaban para sa mga karapatan nito sa soberanya.

Samantala, naniniwala naman si Defense Undersecretary Ignacio Madriaga na mahalaga ang sea lanes dahil ang hindi pag-iral nito ay maaring gagamitin laban sa bansa.

Ayon sa National Security Council (NSC), 887,909 square kilometers ang kabuuang lawak ng archipelagic baseline system ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *