Paglilinis sa Mindoro oil spill, nasa final phase na

Aabutin na lamang daw ng 30 days ang pamahalaan para matapos ang huling phase ng cleaning operation sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil kasunod ng pagdating ng Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal sa Subic Bay Freeport Zone noong nakaraang linggo, na siyang mag-e-extract sa natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ayon kay Garafil, batay sa mga reports mula sa mga government officials – ang DSV Fire Opal ang siyang tatapos sa cleanup sa katubigan ng probinsya na inaasahang matapos nang isang buwan.

Matapos ang pagdating ng naturang vessel sa Batangas ay agad naman itong magtutungo sa designated mission area.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Office of Civil Defense (OCD) ng kabuoang 6,801 liters ng oil waste at 300,603.60 litro ng oil-contaminated waste na nakolekta mula sa paglilinis ng mga ahensya at organisasyon sa oil spill. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *