Paglilipat ng rehistro ng ilang political personalities sa 3rd District ng Camarines Sur inaabangan na

NAGA CITY –Inaabangan na ngayon ng publiko lalo na ng mga taga Naga City at mga taga 3rd district ng Camarines Sur ang pagpaparehistro ng ilang personalidad sa politika gaya ni Former Vice President Atty. Leni Robredo na sinasabing posibleng kumandidato bilang alkalde ng lungsod sa kabila ng mga impormasyon na sa senado ito sasabak.

Si Robredo naka rehistro sa nakaraang halalan sa Magarao Camarines Sur, dahil na rin sa una nitong plano noong kumandidato sa pagka gobernador, ngunit sa pagka Pangulo dumiretso.

Kaugnay nito, si City Mayor Son Legacion ang napapabalitang posibleng kumandidato sa 3rd district bilang kongresista na kapalit ng patapos na sa termino na si ng si Cong. Gabriel Bordado Jr.na diumano’y kakandidato naman bilang alkalde sa Calabanga.

Sa pagberipika ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Atty. Maico Julia Jr. COMELEC Officer ng lungsod, hindi pa nagpapa rehistro si Robredo sa kanilang opisina, maaga pa aniya para matantiya ang mga kilos ng mga ito ng opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *