Pagluluwag sa foreign ownership rules, magreresulta sa 1.6M new jobs

Posibleng magresulta sa $16.2 billion na potential foreign direct investments para sa Pilipinas ang pagtanggal sa foreign ownership restrictions, na kalauna’y magbibigay ng mga bagong trabaho at mabawasan ang bilang ng mga jobless.

Ito ang ipresenta ni University of Asia and the Pacific (UA&P) economist Leandro Tan sa virtual forum ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa gitna ng nagpapatuloy na debate kaugnay sa panukalang pagbabago sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Mababatid na sa ilalim ng legislative proposal na Resolution of Both Houses (RBH) No. 2, target ang pagluluwag sa 60-40 foreign equity rule, kung saan naipasa na ito sa ikalawang pagbasa.

Sa pag-aaral ng UA&P, lumalabas na $16.2-billion na investments mula sa foreign investors ang makukuha kung saan makakabuo ito ng nasa 1.6 million na bagong trabaho, habang ang unemployment rate ay mababawasan mula sa 7.1% na naitala noong Marso sa 3.8%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *