Pagnanakaw sa baterya ng truck na panghakot ng basura sa West Tapinac sapul sa cctv

Nakunan ng cctv ang aktwal na pagnanakaw sa baterya ng truck ng West Tapinac, Olongapo City.

Ito ay ang truck na ginagamit panghakot ng basura ng baranggay na nagmula sa pamunuan ng Unang Distrito ng Zambales.

Ayon kay Kap. Donald Aquino, araw ng Linggo nang mangyari ang pagbaklas ng suspek sa baterya mula sa truck.

Base sa kuha ng cctv may ilang katao pang dumaan sa lugar habang ginagawa ang pagnanakaw subalit marahil hindi rin umano naghinala dahil araw ito at tila lamang may inaayos ang suspek.

Agad na inireport ng baranggay ang pangyayari sa PNP at naghihintay ngayon na matukoy ang salarin.

Hiniling na rin nito ang tulong ng publiko para matukoy ang salarin dahil desidido ang Punong Baranggay na sampahan ito ng kaso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *