Pagpapa-rehistro, pagpa-transfer at iba pang transaksyon sa COMELEC-Catanduanes, pwede nang ma-access online matapos ilunsad ang “mobile application”

BICOL—Dahil sa layuning maiwasan ang posibleng siksikan ng mga nais na magparehistro sa nagpapatuloy na voter’s registration sa lalawigan ng Catanduanes, inilunsad ng nasabing ahensiya ang “mobile application” sa tatlong bayan ng probinsya partikular sa mga bayan ng Virac, Caramoran at Bagamanoc.

Sa naturang mobile app, madali nang makakapag pa rehistro; makakapag pa-transfer; change of status at maging magpa reactivate ang mga indibidwal na nais na makaboto sa May 2022 elections.

Ayon kay Atty. Neil Anicula ng COMELEC-Catanduanes, ang paggamit ng makabagong teknolohiya ang naisip na programa ng ahensiya, nang sa ganun ay hindi maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19 ang isinasagawang voter’s registration.

Libre itong ma-access basta’t mayroon lamang internet connection, mobile phone at iba pang uri ng gadget. Para sa iba pang katanungan kaugnay nito, pwede umanong sumangguni sa bagong tanggapan ng COMELEC ng probinsiya na matatagpuan sa Catanduanes State University (CSU) compound, Brgy.Calatagan sa bayan ng Virac.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *