Pagpapababa ng height requirement ng aspiring PNP personnel malaking bagay ayon sa PNP CamSur

NAGA CITY- Pinirmahan na Pangulong  Duterte ang panukalang batas na naglalayong mapababa ang height requirement para sa mga nangangarap maging isang pulis kasama rito ang mga nais pumasok sa Bureau of Fire Protection  (BFP) Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor), ang hakbang na ito ay isang malaking bagay sa orginsasyon ayon sa PNP Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Louie Dela Peña , taga pagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sinabi nitong  pagkakataon na ito ng mga nangangarap subalit hindi natatanggap dahil kinulang o hindi umabot sa dating height requirement.

Ngayon kase base sa Republic Act 11549  ang minimum height requirement para sa mga lalaki ay magiging 5 feet and 2 inches nalang na dating 5 feet and 4 inches. Para sa mga babaeng aplikante naman, ang dating requirement na 5 feet 2 inches ay 5 feet nalang.

Paliwanag ni Dela Peña wala sa tanggad ang serbisyo kundi na sa puso. Hindi aniya ito nakakababa ng moral bagkos daan para pagbutihin ang pagsisilbi.

(photo: Boy Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *