Pagpapabuti mga pasilidad para sa mga OFWs – tiniyak ng OWWA

Binuksan na ang 24/7 OFW lounge sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naturang lounge ay sariling lugar ng mga Overseas Filipino Workers, kung saan mayroong mga upuan, access sa Wi-Fi, charging docks, power outlest, at iba pang mga serbisyo at amenities.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnel Ignacio, ang OFW lounge, na isang joint project ng Kamara, OWWA , Manila International Airport Authority, at Department of Migrant Workers (DMW) ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos, at mariing binantayan din ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa huli, sinabi ni Ignacio na sinisiguro nila ang improvement ng mga pasilidad para sa mga OFW para maging mas komportable ang mga ito habang nananatili at naghihintay ng kanilang flight sa paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *