Pagpapahalaga sa pagdiriwang ng araw ng mga puso sa Naga City, malaki ang impak sa turismo ng lungsod – City Councilor

NAGA CITY – May malaking impak at kontribusiyon sa turismo ng lungsod ng Naga ang tradisyonal nang pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentines Day.

Sa panayam kay City Councilor, Joe Perez, Chairperson ng Committee on Culture and Arts, maliban kasi sa nagiging trend na ang Valentines dahil sa mga aktibidad, nagkakaroon ng series of show, pa-dinner date ng mga hotel at mga restaurant, maging ang pagbisita sa mga turist spot lalo na pagdating sa food tourism sa lungsod, kung saan nagiging kaugalian na ng bawat mag-asawa, magkasintahan, pamilya at kahit ang mga single o walang kasintahan, na magdiwang ng araw ng mga puso bilang pagpapahalaga, pagmamahal at pagbibigay.

Kasabay na din ang pagpapahalaga sa mga stakeholders lalo na’t ipinagdiriwang din ang Arts Month ngayon at may mga accessories trade fare na maaaring puntahan ng publiko.

Dagdag pa ng opisyal, ang araw ng mga puso ay para sa lahat at dapat araw-araw nagmamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *