Pagpapaigting ng COVID- 19 vaccination hindi lang sa accomplishment ayon sa PHO

Iginiit ng Provincial Health Office na hindi lang tungkol sa accomplishment kaya mas pinaiigting ng national at local government ang kampanya sa COVID- 19 vaccination.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na higit sa accomplishment ay nais ng gobyerno na maprotektahan ang bawat isa kontra COVID- 19.

Sa harap na rin ito ng inaasahang kaliwa’t kanang pagtitipon ngayong panahon ng kapaskuhan na posibleng magdulot ng hawaan ng sakit.

Ani Francisco, wala ring pinagkaiba ang mga naunang bakunahang bayan na ginawa noong una sa ginagawa ngayong pambansang bakunahan na nasa ikalawang araw na dahil pagpapatuloy lamang ito.

Bukod sa national vaccination days ay nagpapatuloy din ngayon ang Barangayang Suyod Bakuna kung saan pumupunta sa mga bahay ang vaccination team para bakunahan lalo na ang mga senior citizen na hirap nang maglakad..

Ayon pa kay Francisco lahat ng Rural Health Unit sa Camarines Norte ay nagsasagawa ngayon ng COVID- 19 vaccination.

Sa ngayon ay nasa 82 percent na ang vaccination coverage sa lalawigan at mahigit 75 percent naman sa senior citizen

“Remember meron pa tayong Barangay Suyod Bakunahan at itong three days na vaccination day ay katuwang ito  dun sa minimithi sana na magkaroon pa tayo ng maraming accomplishment pero ang ating talagang reason doon bakit tayo nagbabakuna hindi lang dahil sa accomplishment kundi dahil mabigyan natin ng proteksyon dito ang ating mga kababayan,” ani Francisco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *