Pagpapakulong kay Quiboloy, maituturing na ‘immaterial’ – senador

Ibinahagi ni Senador Ronald Bato Dela na wala siyang nakikitang ‘in aid of legislation’ sa ginagawang pag-iimbestiga ng Senado sa kaso ni Apollo Quiboloy.

Kaugnay nito, sa tingin niya ay hindi na kinakailangan pa ang presensya ni Quiboloy sa pagdinig ng komite ni Senadora Risa Hontiveros.

Dagdag pa niya, tila immaterial na rin ang pagpapakulong kay Quiboloy dahil wala naman siyang nakikitang pagkukulang mula sa paghawak ng mga pulis sa kaso nito at maging sa ginagawang prosecution ng Department of Justice (DOJ).

Ayon pa sa senador, dapat hayaan na lang din ng Senado ang Korte na magdesisyon para sa kaso ni Quiboloy lalo na’t kung may inihain ng criminal case rito.

Maalala, kamakailan ay inanunsyong pupwede nang isama sa INTERPOL red notice si Quiboloy matapos ang pag-unsealed ng arrest warrant laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *