Pagpapalakas sa produksyon ng isda sa Camarines Norte tinututukan ng BFAR

CAMARINES NORTE – Tinututukan ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapalakas sa produksyon ng isda sa Camarines Norte sa pamamagitan ng pagtulong lalo na sa maliliit na manginngisda.

Kahapon, namahagi ang ahensiya ng 22-footer na fiber glass na bangka sa walong benepisyaryo na nagmula sa iba’t-ibang bayan.

Mayroon itong makina at may kumpletong accessories sa ilalim ng BFAR Regular Program para sa CY 2023.

Pinangunahan ni BFAR Region V Chief Fisheries Production Division Atty. Nilo Consuelo ang pamamahagi ng mga bangka sa mga maswerteng benepisyaryo.

Paalala ni Consuelo sa mga benepisyaryo na dapat mailagay kaagad sa dagat at huwag hayaang nakatiwangwang lang at hindi ginagamit.

Nagbabala ang BFAR na babawiin sa benepisyaryo ang bangka kung nakatiwangwang lang o kaya ay ginagamit sa iligal. Bawal ding ibenta ang bangka.

Hangad naman ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na madagdagan ang produksyon ng isda sa pamamagitan ng mga tulong pangkabuhayan na ibinibigay s amga manngingisda.

Batay kasi aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba ang produkson ngf commercial at municipal fishing gayundin sa aquaculture noong huling bahagi ng 2023.

Ayon kay Tiam mayroon pang mga susunod na pamamahagi ng bangka pero hindi pa umano niya masabi kung kailan.

Isa nga sa napagkalooban ng bangka ay si Mang Rogel Roldan ng Vinzons. Laking pasalamat ni tatay Rogel dahil hindi na niya kailangan pang bilhin ang bangka.

Nagkakahalaga kasi ito ng P60k kasama na ang mga accessories.

Tulad ni tatay Rogel, wala ring mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Mang Renato Bola ng Jose Panganiban.

Pangarap daw talaga ni tatay Renato na magkaroon ng sariling bangka na makakatulong hindi lang sa kaniyang hanapbuhay kundi sa kinabibilangang asosayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *