Pagpaparehistro sa Konsulta Package nagpapatuloy

SORSOGON CITY – Nagpapatuloy ang pagpaparehistro sa Konsulta Package sa mga Rural Health Units, City Health Office at sa iba pang government medical facilities sa lalwigan, ito ang kinumpirma ng PhilHealth-Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa Chief Social Insurance Officer na si Alfred Jubilio, sinabi nito na natapos na ang akreditasyon ng mga nasabing medical facilities, sa katunayan umano ay nag-top 1 sa may pinakamaraming naitala na pasilidad na accredited para sa naturang programa ang lalawigan.

Ayon pa sa opisyal, sa ilaim ng programa ang mga rehistradong mamamayan ay maaaring makapag pakunsulta ng kanilang mga karamdaman ng libre sa mga akreditadong ospital at medical faclities na ito.

Ang PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o mas kilala na PhilHealth Konsulta ay ang pinalawak na primary care benefit ng nasabing ahensya. Ang ,ga serbisyong makukuha dito ay ang konsulta, health screening at assessment, laboratory at gamot ayon sa health risk, pangangailangan at edad ng pasyente.

Kinakailangan lamang na rehistrado ang pasyente sa isang accredited Konsulta provider. Maaaring magparehistro online o pumunta sa pinakamalapit na RHU, ospital o accredited na medical facilities sa kanilang lugar.

Ang lahat ng Filipinong rehistrado sa PhilHealth ay kwalipikado para sa PhilHealth Konsulta.

Ang mga ospital na KonSulTa providers ay ang Sorsogon Provincial Hospital, Castilla District Hospital, Irosin District Hospital, Bulan Medicare Hospital, Matnog Medicare Hospital, Gubat District Hospital, Prieto Diaz Medicare Hospital, Magallanes Medicare Hospital at Donsol District Hospital.

Ang lalawigan ng Sorsogon ay isa sa 9 na probinsya na naidentipika bilang pilot test areas kabilang ang Bataan, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Northern Leyte, South Cotabato at ang lungsod ng Ormoc at Tacloban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *