National

Pagpapatalsik kay Parlade sa NTF-ELCAC, pwedeng daanin sa legal remedy- Roque

Pwede umanong daanin sa legal remedy ang pagnanais ng ilang personalidad na patalsikin si Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa  National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pwedeng magsampa ng quo warranto petition laban kay Parlade, spokesperson ng NTF-ELCAC at commander ng Southern Luzon Command.

Aminado ang kalihim na  subject sa debate ang isyu tungkol sa kontrobersyal na opisyal.

Mababatid na nanawagan ang ilang mga senador na tanggalin na si Parlade bilang spokesperson ng NTF-ELCAC dahil sa constitutional ban sa mga active military officers mula sa pagkakaroon ng civilian post.

Kung matatandaan, binuo at pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NTF-ELCAC. 

Una nang sinabi ni Roque na ipinauubaya na sa nasabing task force kung paparusahan si Parlade dahil sa mga hakbang nito particular ang pag-uugnay nya sa mga organizers ng community pantry sa mga komunistang rebelde.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago