PH, patuloy na makakaranas ng maalinsangang panahon

Patuloy na makakaranas ng maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong hapon.

Ayon sa PAGASA, dahil sa umiiral na easterlies ay asahan na hanggang sa mga susunod na araw ang mainit na panahon.

Sa ngayon ay posible pa rin ang mahihina hanggang sa katamtamang ulan sa malaking bahagi ng Mindanao, kung saan ay may tyansa nang intense thunderstorm sa Northern Mindanao, BARMM, at Davao Region.

Wala naman inaasahang ulan ngayong hapon hanggang mamayang gabi sa Luzon at Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *