Pagpapatayo ng mga school building prayoridad sa ikalawang distrito ng Zambales

Prayoridad ng opisina ng ikalawang distrito ng Zambales na magpaayos ng mga classrooms at magpatayo ng mga bagong eskwelahan.

Ayon kay Congresswoman Bing Maniquiz, mas mabuting mauna munang maayos ang mga paaralan lalo’t dito nagsisimula ang magandang kinabukasan ng mga bata.

Paliwanag nito, nakakadagdag sa ganang mag-aral ng mga bata ang pagkakaroon ng komportableng mga silid-aralan.

Ngayong araw, inaasahang pipirmahan ng Pangulong Bongbong Marcos ang national budget na higit 5.6 trillion pesos na pagkukunan ng pondo ng Department of Education at ng mga kongresista.//Christian ANdres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *