Pagpapatayo ng pantalan sa Kalayaan Island, tuloy-na tuloy na

Tuloy na tuloy na ang konstruksiyon ng bagong pantalan sa kalayaan island sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos na maglaan ng P800 million ang pamahalaan na alinsunod na rin sa planong pagpapalakas ng maritime security sa isla.

Layun din ng proyekto na may mapupuntahan ang mga nabubully na mangingisda sa gitna ng maritime dispute.

Nabatid na ayon kay House committee on appropriations vice chair at Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. itatayo ang bagong port sa may Lawak island na ikalawa sa pinakamalaking landmass sa Kalayaan island.

Matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng Spratly archipelago ang pantalan kung saan ang nasabing pondo ay isinama sa 2024 General Appropriations Law sa gitna ng nagpapatuloy na pagtatayo ng artificial building sa Spratly island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *