National

Pagpapatuloy ng allowance sa mga healthworkers ipinag-utos ng Pangulo

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapatuloy pa rin ang COVID-19 allowance para sa mga healthcare workers sa bansa.

Kung matatandaaan – sa oras na nag-expire na ang deklarasyon ng nationwide state of calamity dahil sa pandemic, mawawalan na rin ng bisa ang mga inisyung emergency use authorization sa mga bakuna, at mapapatid na rin ang ilang mga benepisyo para sa mga frontliners.

Sa pulong ni Marcos kasama ang mga opisyal ng Department of Health (DOH), sinabi niyang isa ito sa mga kinokonsider nila nang hindi na i-extend ang state of calamity na napaso sa huling araw ng 2022.

Sa kabila niyan, ipinag-utos niya pa rin daw ang pagpapatuloy sa compensation ng mga health workers.

Samantala, maliban sa allowance ay natalakay din sa meeting ang pagpapatuloy sa implementasyon ng Universal Health Care Act.

Nanghingi rin ng update ang Pangulo para sa nakatakdang pagdating sa susunod na buwan ng nasa 1 milyong dose ng mga bivalent vaccines na di-nonate ng COVAX.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago