Pagpapatupad ng ECQ sa NCR mahirap na desisyon para sa IATF – Roque

Aminado si Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na hindi naging madali ang naging desisyon ng Inter-agency Task Force para muling ibalik sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang National Capital Region.

Ayon kay Roque dumaan sa matinding debate ang naturang desisyon dahil kailangan balansehin ang kalusugan ng publiko at ang ekonomiya ng bansa.

Subalit ginawa umano ang desisyon upang mas maraming buhay ang mailigtas sa gitna ng banta ng mas nakakahawang COVID-19 delta variant.

Batay sa bagong quarantine restriction isasailalim sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang NCR simula ngayong araw hangang Agosto singko.

Itataas naman ito sa Enhanced Community Quarantine mula sa Agosto 6 hangang Agosto 20 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *