Hinimok ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Senado na unahin ang pagpasa sa bersyon nito ng panukalang nananawagan sa pagtatayo ng mga evacuation centers sa buong bansa sa gitna ng mga banta at nakaambang epekto ng bagyong Betty.

Ayon kay Castro, ang pagpasa sa counterpart measure ng House Permanent Evacuation Centers bill ay dapat ituring na “as urgent” kaysa sa Maharlika Investment Fund Act.
Aniya , halos isang dekada na nang unang ipinukala ito ngunit hindi pa rin nagiging batas.
Umaasa pa rin ang mambabatas na maipapasa ng senado ang bersyon upang maisama ang pondo nito sa national budget sa susunod na taon.//CA