Pagpasok ng US fuel tanker sa Subic – kinansela

Kinumpirma ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na naantala na ang pagpasok at pag-transfer ng clean fuel ng isang US fuel tanker papunta sa Subic.

Ayon kay SBMA office of the deputy administrator for corporate communications officer-in-chage Armie Llamas, kinansela na raw ng Yosemite Trader ang port call request nito.

Ibig-sabihin, hindi na itutuloy ang application for entry nito, at kanselado na rin ang paglilipat ng 39million gallons ng clean fuel.

Sa ngayon, ‘di pa nilinaw ng SBMA ang dahilan ng cancellation.

Matatandaaang nabatikos ni Senadora Imee Marcos ang naturang hakbang.

Una na ring dumipensa ang Armed Forces of the Philippines, at ang Department of National Defense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *