Pagpatay at paghuli ng Migratory birds mahigpit na ipinagbabawal sa Buhi, CamSur

CAMARINES SUR – Mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na gobyerno ng Buhi, Camarines Sur ang paghuli at pagpatay sa mga migratory birds partikular na ang species ng wild ducks.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Nazarrea, tagapagsalita ng LGU Buhi, sa kanilang paglilibot, may mangilan-ngilan silang nakikita na namamaril ng mga ibon sa palibot ng Lake Buhi. Bukod sa iligal ang paghuli at pagpatay sa mga ito, pinangangambahan na posibleng may dala itong sakit na bird flu na maaaring makaapekto sa tao kapag nagkataon na makain.

Bilang paunang tugon, gumawa at nagpaskil sila ng No Hunting Signage upang mabigyan ng paalala ang publiko sa ipinagbabawal na gawain dahil ang sinumang mahuhuli ay may kakaharaping multa at nararapat na aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *