Pagpatay ng mga aso sa Koronadal, ikina-alarma ng city vet

KORONADAL CITY- IKINALARMA ngayon nga tanggapan ng City Veterinary Office ng Koronadal ang pagkalat ng mga videong pumapatay o nagkakatay nga aso sa lungsod.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng lungsod, inihayag nitong, haharap sa anim hanggang isang taon pagkabilanggo at multang P100,000 ang mga taong mahuhuli na kumakatay at pumapatay ng mga aso.

Ayon kay Calom paglabag umano sa Animal Welfare Act at Anti-Rabies Act ang pagpatay sa aso dahil tinuturing umano ito na non-food animal o bawal kainin. Paalala naman ng opisyal sa publiko na posibleng magdadala din ng sakit ang aso na kanilang kinakain lalo na ang rabies.

Napag-alaman na kumalat naman ngayon online ang grupo ng mga lalaki na kumakatay ng aso. Hiling naman ng opisyal sa mga residente at barangay officials na aksyonan upang matudlukan ang nasabing problema

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *