Pagpili ng ibabawas na load sa mga nangyayaring rotational brown out nasa NGCP

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Camarines Norte Electric Cooperative na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pumipili ng ibabawas na load sa mga nangyayari ngayong rotational brownout dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa iba’t- ibang bahagi ng Luzon.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni General Manager Zandro Gestiada, inihayag nito na wala silang magagawa kaugnay sa pagpapatupad ng Manual Load Dropping o rotational brownout dahil ang NGCP ang nagbigay ng emergency schedule para dito.

Depende umano ito sa available na supply ng grid at sa panig ng Canoreco ay magbibigay lang umano sila ng abiso sa kanilang area coverage at kung ano ang supply na ibinibigay sa kanila ay yun lang din ang idi- distribute.

Ang Manual Load Dropping o MLD o rotational brownout ay ang sitwasyon kung saan ina- allocate at dinidistribute ang limitadong supply ng kuryente sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa NGCP kailangan itong gawin upang mapanatili ang integrity ng power system.

Batay sa naunang abiso ng naturang kooperatiba ng kuryente ang pagbabawas ng load ay sanhi ng manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid.

Ang NGCP ang nag aabiso sa mga Distribution Utilities kung kailan at anong oras mawawalan ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar at pinapanatiling tama ang alokasyon ng supply sa lahat ng distribution utility katulad ng Canoreco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *