Pagprotekta sa South China Sea, tinawag ni PBBM na “global artery” sa pangangalaga ng kapayapaan sa rehiyon

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa harap ng Australian Parliamentary ang paninindigan nito sa pag tanggol ng kasarinlan ng bansa.

Sa kanyang talumpati, muling binanggit ng Pangulo na hindi nito papayagan ang anumang pagtatangka ng mga dayuhan na angkinin ang kahit square inch na teritoryo ng Pilipinas.

Binigyang diin din nito na ang pag protekta sa South China Sea ay maituturing na “global artery” sa pagpapanatili at pangangalaga ng kapayapaan sa rehiyon maging sa buong mundo.

Lalo na’t alam naman anya ng lahat na ang kaunlaran at pag unlad ay nakasalalay sa peace at stability ng Indo-pacific region.

Kaya naman hinimok sila ng Pangulo na magkaisang harapin ang mga hamon sa rehiyon dahil under threat anya ang peace at stability bunsod na rin ng kasalukuyang estado sa pinag aagawang teritoryo.

Hindi anya makakaya ng isang bansa na mag isang harapin ang kumokontra sa rule of law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *