Pagsabog dulot ng vape canister na naganap sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque City, isolated case ayon sa DILG

Isolated case kung maituturing ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang pagsabog na dulot ng vape canister na naganap sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa Parañaque City noong Sabado ng hapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Sec. Benjamin Abalos Jr., na walang dapat na ikabahala ang publiko sa insidente.

Ito’y kasunod ng natatanggap na bomb threat sa e-mail ng Air Traffic Service ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP noong isang linggo.

Samantalang ang 65-anyos na lalaking biktima na na nagtamo ng minor burns ay kAsalukuyang binibigyan ng atensyong medikal.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP at iba pang law enforcement agencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *