Pagsara ng mga kalsada at traffic rerouting ngayong Semana Santa sa Calabanga, Camarines Sur, inilatag na; Milyun-milyong bisita inaasahan ng PNP

NAGA CITY –  Inilatag ng Calabanga Municipal Police Station ang ipatutupad na traffic rerouting at mga isasarang daan kaugnay ng pag-obserba sa Semana Santa.

Miyerkules Santo, Marso 27  hanggang Biyernes Santo, Marso 29  ipatutupad ang traffic rerouting.  Ang bayan ay isa sa mga dinarayo ng mga perigrino at deboto ng Amang Hinulid, mayroon pang tutungo sa iba pang Simbahan at  ngayon inaasahan ang milyun-milyong bisita.

Sa mga sasakyang dadaan sa nasabing bayan mula sa Tinambac, inaabisuhang dumaan sa naka-one way lamang na Barangay Sta. Cruz Ratay, Binaliw, Bigaas NIA Road diresto sa bayan ng Bombon.

Ang mga malalaking truck naman at sasakyan na papuntang Tinambac ay patitigilin hanggang sa matapos ang aktibidad o di kaya’y inaabisuhan na dumaan muna sa Anayan, Pili, Ocampo at Goa.

Ang mga galing sa lungsod ng Naga ay hinihikayat na dumaan sa Barangay La Purisima  Quipayo patungong Barangay Sta. Cruz Ratay.

Samantala, alas tres ng hapon sa darating na Miyerkules Santo, ipatutupad ang closed road sa kasentruhan ng nasabing bayan mula Quipayo Church at Sta. Cruz Ratay Poblacion para sa prusisyon ng imahen.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Corporal Jephunie Ehres, ang Assistant Operations Officer ng  Calabanga Municipal Police Station, nagpaalala ito sa mga may-ari ng pribadong sasakyan  na huwag na munang lumabas kung hindi naman kinakailangan, at sa publiko na iwasan nang uminom ng alak at magdala ng mga matatalim na bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *