Pagsasaayos ng mga pasilidad sa Tuaca checkpoint hiniling Sa IMT

CAMARINES NORTE- Hiniling ni  PLt Junar Rodriguez- Division Zulu Commander ang madaliang pag-sasaayos ng ilang pasilidad sa Tuaca checkpoint sa nakaraang operational period briefing ng IMT nitong lunes.

Ayon sa naturang opisyal, kinakailangan ngayong maisaayos ang booth para sa rapid antigen test at magkaroon ng tuluyan ang mga tauhan ng PDRRMO na nababasa tuwing umuulan.

Bilang tugon, inatasan ni Atty Don Culvera, Unified Incident Commander ang Logistic Section ng IMT na maayos ang ilang pasilidad sa checkpoints ng Tuaca at Tabugon, gayundin ang karagdagang tents na masisilungan ngayong panahon ng tag-ulan.

Nagpahayag din ito na bumisita sya sa Tabugon checkpoint at nakita nya ang maayos na sistema dito ng PDRRMO at ang mahusay na pagbabantay at visibility ng PNP sa mga mga taga Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *