Pagsasaayos sa sistema ng mga jeepney at van terminal sa Naga City, kasagutan sa problemang dulot ng ilang jeepney driver sa lungsod matapos ang hindi pagpasok sa kanya-kanyang terminal

NAGA CITY – Naging kasagutan ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na isaayos ang sistema sa mga Jeepney at Van Terminal sa lungsod, matapos nakapagdulot ng problema ang ilang jeepney driver dahil sa hindi pumapasok sa kanya-kanyang terminal lalo na sa Eastbound.

Nitong nakaraang araw nga ay muling nagsagawa ng pagpupulong sa pangununa ni City Councilor Omar Buenafe, Committee Chair on Transportation, kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, Executive Director ng Public Safety Office, Renne Gumba, Terminal Manager ng Bicol Central Station, Roderick Reforsado, at ilan pang opisyal hinggil sa usapin.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Reforsado, BCS Terminal Manager, marami na kasing reklamo ang nakarating dahil ilan sa jeepney driver ay kung saan-saan na lamang pumaparada na nakakapagdulot ng trapiko at lumalabag na sa batas trapiko lalo na ang mga jeep na mula sa ibang bayan.

Ayon pa sa opisyal sa parte ng BCS, tutulungan ang mga terminal na makapag-operate ng maayos maging ang mga driver na iwasang makalabag lalo na’t may naka-atang na mga penalidad, lalo na ang pumarada sa paligid ng BCS na mahigpit na ipinagbabawal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *