Pagsasagawa ng road safety seminar sa mga eskwelahan suportado ng PNP- HPG

CAMARINES NORTE – Suportado ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang pagsasagawa ng road safety seminar sa mga eskwelahan lalo na sa junior at senior high school.

Sa pamamagitan kasi nito ay naipapaliwanag ng HPG ang traffic rules, signages at defensive driving.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant, Renita Quilas, Provincial Executive Senior Police Officer (PESPO) ng HPG Camarines Norte, malaking bagay ang ganitong aktibidad dahil maraming mga estudyante ang nagmamaneho nang wala pang lisensya.

Mayroon na rin aniyang ilang eskwelahan ang nag imbita sa kanila para maging resource person.

Ngayong buwan ay planong magsagawa muli ng road safety seminar ng Basud Municipal Police Station at ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MGPTD) na ang target participants ay mga estudyante sa junior at senior high school.

Pero kahit walang road safety seminar ay mayroon naman daw talagang regular school visitation ang HPG tuwing Lunes hindi lang sa High School kundi maging sa mga nasa grade school.

Dito ay nagbibigay umano sila ng lecture sa mga kabataan patungkol sa road safety.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *