Pagsasapribado ng NAIA, dagdag-pasanin lang sa publiko ayon sa isang grupo

Ipinahayag ng Samahang Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas na ang planong pagsasapribado ng paliparan ay magdudulot ng mataas na bayarin sa airport services.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gilbert Bagtas ng grupong SMPP, magiging dagdag pasanin sa publiko ang airport fees na ipapataw sa mga pasahero kapag natuloy ang privatization sa NAIA.

Aniya, sa bagong administrative order ay itataas sa dalwang daan hanggang sa tatlong daang porsiyento ang lahat ng charges sa loob ng paliparan kapag naisapribado na ito.

Dahil dito, tiniyak ng grupo na mahihirapan sa dagdag-gastos ang publiko.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Bagtas na bukod sa mataas na bayarin sa airport services ay posible ring maapektuhan ang maraming empleyado dahil wala pang katiyakan kung sila ay maa-absorb o mawawalan ng trabaho sakaling isapribado na ang paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *