Pagsasara ng EDSA-Kamuning Southbound, bubungad sa Mayo

Bubungad sa unang araw ng Mayo ang pagsasara ng southbound lane sa EDSA-Kamuning flyover sa mga motorista hanggang October 25.

Ibig sabihin, gagawing eklusibo sa mga bus ng EDSA Carousel ang naturang daan dahil sa gagawing retrofitting o pagkukumpuni sa tulay bilang paghahanda sakaling mangyari ang ‘THE BIG ONE.’

Paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Romando Artes na puwede namang dumaan ang emergency vehicles tulad ng ambulansiya at bumbero kung kinakailangan.

Samantala, padadaanin naman ang mga pribadong motorista sa service road at mga alternatibong ruta.

Ayon kay Artes, humingi na sila ng tulong  sa PNP-HPG, QC LGU, at mga baranggay para sa pagmamando ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA-Kamuning.

Nakatakdang simulan sa Huwebes, April 25 ang pagsasaayos sa naturang flyover.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *