Pagsilbi ng warrant of arrest nauwi sa engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Target sana ng pulisya na isilbi ang arrest order sa isang akusado kaugnay sa kasong homicide sa Brgy Rizal, Monreal, Masbate nang biglang paulanan ng bala ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang mga pulis.

Umabot sa 20 minuto ang naging palitan ng putok sa pagitan ng  pinagsanib na puwersa ng Monreal Police at 2nd Provl. Mobile Force Company at 15 kasapi ng NPA na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Wala namang naiulat na kaswalti sa tropa ng pamahalaan.

Kalaunan ay nabatid ng mga awtoridad na ang presensya pala ng mga rebelde sa nasabing lugar ay dahil may nilikida ang mga ito na dati nilang kasamahan sa hukbo na nakilalang si Rey Bartolay Labustro, 25-anyos at dating tauhan ng commanding officer ng Platoon 2 Larangan 1, Komite Probinsyal 4 na si Eliseo Cabarles alias Ka Reymond/Kiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *