Pagsilong ng mga motorista tuwing umuuulan, mumultahan ng MMDA

Papatawan na ng multa ang mga motorista na sisilong sa overpass sa tuwing umuulan na magsisimula sa August 1, ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA.

Dalawang linggo bago ang pagpapatupad ay ipinaalala ng MMDA na magmumulta ng P1000 ang rider na makikitang sumisilong sa overpass na bukod sa nagdudulot ng mabigat na trapik ay hindi rin ligtas para sa mga ito ang pananatili sa nasabing lugar ng matagal.

Ayon kay MMDA acting chairperson Romando Artes, hindi naman aniya ipinagbabawal ang pagnanatili sa mga silungan kung doong magsusuot ng kapute ang mga raider at aalis din kaagad.

Dagdag pa ni Artes may mga motorcycle lay-by areas na nakatalaga para hintuan ng mga riders.

Kung maalala, kasabay ng pagbuhos ng ilang araw na ulan nitong nakalipas na linggo dulot ng Habagat sa Metro Manila ay bumuhos rin ang kumpol-kumpol na mga rides sa ilalim ng mga over pass dahil sa hindi inaasahang pag-ulan na halos sumakot na ng ilang lane na ikinaabala naman ng mga mananakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *