Local News

Pagsira sa mga nakumpiskang uncertified products, isinagawa ng DTI-Region 2

Sinira ng Department of Trade and Industry Region 2 Consumer Protection Division ang mga nakumpiskang uncertified products kaalinsabay ng selebrasyon ng World Consumer Rights Day.

Ayon sa DTI region 2, ang sinirang mga produkto ay kinabibilangan ng light bulbs, LED lights, lighters, electrical tape, lamp holder, extensions, electric rice cookers, induction cookers, electric stoves, electric blenders at iba pang electrical products.

Ang mga ito umano ay walang Philippine Standards (PS) Mark o Import Commodity Clearance (ICC) stickers na nirerequire ng  Bureau of Philippines Standards (BPS) kung saan nangangahulugan lamang hindi ito ikinokonsiderang ligtas para sa human consumption.

Tinanunghayan ng COA, LGU, BIR at DENR ang pagsira sa nasabing mga produkto para sa transparency at tamang disposiyon ng mga ito.

Layunin ng naturang aktibidad na paalalahanan ang mga business establishment siguraduhing ang mga ibinebentang produkto ay standard-compliant at government-certified upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang pagsusuri ng DTI  sa mga establishimentong lumalabag sa kanilang panuntunan at nagbebenta ng hindi sertipikadong produkto upang matyak na maganda ang kalidad ng mga ibinebenta sa merkado.

BNFM Cauayan

Recent Posts

10,000 benepisyaryo sa region 12, nakinabang sa Presidential Assistance

KORONADAL CITY – NAKINABANG sa ipinamahaging Presidential sa Isulan, Sultan Kudarat ang nasa 10,000 mga…

1 min ago

Raymond Alvin Garcia mo-asumir na pagka Acting Mayor sa dakbayan sa Sugbo sugod karung adlawa

Gikatakdang mo asumir na sa iyang katungdanan isip Acting Mayor sa Dakbayan sa Sugbo si…

2 hours ago

Dating DOH Sec. Duque, iaapela ang kasong isasampa laban sa kanya

Maghahain umano ng motion for reconsideration si dating Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa…

2 hours ago

Manibela, maghahain ng counter charge laban sa QCPD

Maghahain ng counter charge ang transport group na Manibela laban sa Quezon City Police District…

2 hours ago

Lipa Archbishop Gilbert Garcera pinangunahan ang misa sa bisperas ng kapistahan ng itim na Nazareno ng Capalonga

CAMARINES NORTE - Pinangunahan ng dating Obispo ng Diocese of Daet at ngayo’y Arsobispo ng…

3 hours ago

SDO Camarines Norte naglabas ng mga paalala kaugnay sa pagsasagawa ng End-of-School-Year Rites

CAMARINES NORTE - Nagpalabas ng mga paalala ang Department of Education sa lalawigan ng Camarines…

3 hours ago