Pagsirit ng admitted COVID-19 cases sa BMC, hindi totoo

NAGA CITY- Hindi totoo ang pagsirit ng bilang ng mga admitted sa Bicol Medical Center dahil sa COVID-19 tulad ng kumakalat na mensahe na marami ang admitted at naka handa na ng isa pang ward kung mapuno na ang modular ward.

Sa official facebook post ng BMC , nakasaad na fake ito at ang sinumang nagpapakalat ng mga impormasyong hindi totoo at nagdadala ng confusion sa publiko ay maaaring mabigyan ng penalidad.

Una nang sinabi ng Naga City Health office na manageable ang kaso, ang Camarines Sur naman ay nakapagtatala sa ilang mga bayan paisa-isa o dalawa , sa loob ng ilang araw wala namang nakapagtatala ng higit sa lima.

Isa sa mga naka admit ngayon sa BMC ay residente ng Canaman, ayon kay MDRRM Officer Froilan Altamarino, inabisuhan na nila ang mga barangay council paigtingin pa ang kampanya ng tamang pag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay , pag-iwas sa siksikan at iba pa. Wala aniyang lockdown protocol dahil hindi naman ito pinag-uutos ngayon ng Department of Health. Kaya ang hiling nila magkaroon ng kooperasyon ang lahat upang hindi na dumami pa ang magkakasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *