Pagsugpo sa ‘agri-smuggling’ matapos ang ‘Chinese mafia’ issue, dapat paigtingin! – Salceda

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda sa Marcos administration na palakasin ang Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI) upang matigil ang ilegal na pagpupuslit ng mga agricultural products sa bansa.

Ito ay matapos ang ibinunyag niyang ‘Chinaman Mafia’ o ang ilang mga Chinese nationals na sangkot ‘di umano sa pagmamanipula ng iligal na pagpapasok ng imported agricultural products.

Ayon kay Salceda na chairperson ng House Ways and Means Committee – malala na ang galamay ng naturang Chinese na sangkot sa agri-smuggling, at mga kasamahan nito.

Sa kabila niyan, nalaman umano niyang ‘small group’ pa lamang ito, kaya naman kung matutunton nila ang mismong nasa likod ng pagpupuslit ng mga agricultural products ay mas mabilis na matatapos ang naturang modus.

Ang STG-EI ay binubuo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *