Pagsungkit ng mas maraming medalya target ng Camarines Norte sa Palarong Pambansa

CAMARINES NORTE – Target ng Camarines Norte na makapag ambag ng mas maraming medalya para sa Bicol Region sa gagawing Palarong Pambansa sa Hulyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Division Sports Coordinator Nelson Gomez na ngayong taon mas maraming taga Camarines Norte ang kasama sa Bicol delegation na aabot ng mula 50 hanggang 60 atleta at coaches.

Mas marami daw ngayon dahil mayroong team event na nag champion ang lalawigan sa katatapos lang na Palarong Bicol at ito ay ang baseball seconbdary na kakatawanin ng Froilan Lopez Technical vocational School sa bayan ng San Vicente.

Magaganap ang Palarong Pambansa sa ikalawang linggo ng Hulyo.

Matatandaan na nagtapos ang kampanya ng Camarines Norte  sa ikatlong pwesto sa katatapos lang na Palarong Bicol na nakakuha ng 59 gold, 60 silver at 52 bronze.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *