Local News

Pagsunod ng mga negosyante sa Olongapo sa paglalagay ng mga cctv maayos ayon sa BPLO

Maayos naman umano ang pagsunod ng mga negosyante sa Olongapo sa ordinansang ipinatutupad ng syudad tungkol sa paglalagay ng mga video surveillance system o close circuit television camera sa kanilang mga establishemento.

Base sa record, taong 2008 pa nagkaroon ng ordinansa ang lungsod tungkol dito at taong 2015 umano ay inamyendahan ito.

Ayon kay Business Permit and Licensing Officer Sandra Ecalnir, sa amendments ay nadagdagan ang mga negosyong kinakailangang may maayos na cctv bago makakuha ng permit.

Maliban sa mga bangko, pawnshop, money changer, mall, convenience store, gasolinahan ay nadagdagan ito ng bars, restaurant, hospital, terminal, minimarts, night club at computer shop.

Matatandaan na hinihikayat ng Department of Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa tungkol sa No CCTVs No Business Permit Policy para sa mga negosyong madalas ay maraming tao.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

PBBM – walang nababalitaang destab plot laban sa kanya mula sa mga active police

Wala umanong natatanggap na report si Pangulong Bongbong Marcos na may nilulutong destab plot ang…

2 mins ago

PNP, sinisilip ang pagkasangkot sa hacking ng govt websites ng POGO sa Tarlac

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong sangkot sa surveillance at hacking sa…

6 mins ago

Planning process para sa Balikatan sa susunod na taon, sisimulan na

Sisimulan na ang planning process sa idaraos na Balikatan exercise sa 2025 Ito'y makaraan ang…

7 mins ago

Dating PDEA agent Jonathan Morales – tinawag na ‘professional liar’ ni Pangulong Marcos

Inihalintulad ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang 'jukebox' ang dating investigation agent ng Philippine Drug…

8 mins ago

Reymart ‘The Assasin’ Gaballo – muling sasabak sa ring kontra sa Mexicanong si Kenbun Torres!

Muling sasabak sa ring ang reigning WBO Oriental bantamweight chapion na si Reymart Gaballo. Makasasagupa…

14 mins ago

Pag-isyu ng Philippine visa sa mga Chinese nationals, mas hihigpitan na ng DFA

Mas lalong hihigpitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng visa sa mga…

19 mins ago