Pagsunod ng mga negosyante sa Olongapo sa paglalagay ng mga cctv maayos ayon sa BPLO

Maayos naman umano ang pagsunod ng mga negosyante sa Olongapo sa ordinansang ipinatutupad ng syudad tungkol sa paglalagay ng mga video surveillance system o close circuit television camera sa kanilang mga establishemento.

Base sa record, taong 2008 pa nagkaroon ng ordinansa ang lungsod tungkol dito at taong 2015 umano ay inamyendahan ito.

Ayon kay Business Permit and Licensing Officer Sandra Ecalnir, sa amendments ay nadagdagan ang mga negosyong kinakailangang may maayos na cctv bago makakuha ng permit.

Maliban sa mga bangko, pawnshop, money changer, mall, convenience store, gasolinahan ay nadagdagan ito ng bars, restaurant, hospital, terminal, minimarts, night club at computer shop.

Matatandaan na hinihikayat ng Department of Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa tungkol sa No CCTVs No Business Permit Policy para sa mga negosyong madalas ay maraming tao.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *