Local News

Pagsunod sa health protocols sa mga pampublikong sasakyan ipinaalala ng HPG kahit bumababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang PNP Highway Patrol Group na mahigpit pa ring sundin ang minimum health standards sa mga pampublikong sasakyan kahit mababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Hindi raw kasi nangangahulugan na nasa low risk na ang lalawigan ay magiging kampante na ang lahat at ipagwawalang bahala ang pagsunod sa health protocols.

Ayon kay Police Major Joselito Quila, Deputy Regional Chief at Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte mula nang magkaroon ng pandemya ay mahigpit umano ang pagpapaalala nila sa mga pampublikong sasakyan na sundin ang mga itinatadhana ng Inter Agency Task Force (IATF).

Kasama umano sa mga regular violations ang pag iisyu nila ng ticket sa mga lumalabag sa health protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at walang social distancing.

Kasama umano nila sa operasyon ang Local Traffic Enforcers upang mag isyu ng Traffic Citations Ticket (TCT) dahil masyado umanong mabigat kung palaging Temporary Operators Permit (TOP) ang tini- ticket.

“Kaya naman namin gusto silang isama para yung ticket nila ang aming gamitin, para po hindi masyadong mabigat at kawawa naman ang ating mga taga rito sa probinsiya natin kung laggng TOP namin ang gagamitin malaki po ang multa at kadalasan pa sa laki minsan di na nakakaya nila kawawa po,” ani Quila.

At ngayong itinaas na sa 70 % ang seating capacity sa public transport, ipinaalala ng opisyal na sundin pa rin ang social distancing.

Kung siya rin umano ang tatanungin ay mas mainam na mayroon pa ding plastic barrier sa mga pampublikong sasakyan dahil nagsisilbi pa rin itong proteksyon.

Pabor naman ang ilang driver ng pampublikong sasakyan na panatilihin pa rin ang plastic barrier dahil hindi lang umano ang pasahero ang napo- protektahan kundi sila na kung sino- sino ang nakakahalubilo.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

17 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago