Pagsuot ng facemask required sa Naga City General Hospital

NAGA CITY- Required magsuot ng facemask sa Naga City Hospital bilang pag-iingat sa mga sakit tulad ng ubo at sipon lalo na COVID-19.

Ito ang paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Chief of Hospital Dr. Joseph Sanchez. Aniya dalawang linggo na nila itong ipinapasunod anuman ang sadya sa ospital; pasyente man o bisita. Sa ngayon may isang COVID-19 patient na naka isolate sa hospital.

Sa ngayon, mga taga Naga ang prayoridad sa nasabing bagong bukas na pagamutan pero mayroon na rin aniya silang pasyente na mula sa labas ng lungsod.

Sa record ng Department of Health (DOH)- Bicol Enero 7 hanggang Enero 13 , 2024 mayroong 32 COVID-19 cases ang Naga , 57 naman sa Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *